Naging tuloy-tuloy ang daloy ng mga sasakyan sa northbound lane ng G. Araneta Avenue mula E. Rodriguez Sr. Avenue hanggang Kaliraya Street sa kabila ng malakas na ulan kagabi.
Matatandaang isa sa matinding nakararanas ng baha ang naturang lugar sa tuwing malakas ang ulan.
Kaugnay nito, patuloy naman ang paglilinis ng Department of Public Works and Highways (DPWH) sa mga estero at water inlet sa mga flood-prone area sa Metro Manila sa ilalim ng Oplan Kontra Baha.
Layunin nitong maiwasan ang pagbabara ng drainage at mapabilis ang pagdaloy ng tubig-ulan.
Pinaalalahanan din ng DPWH ang publiko na maging responsable sa pagtatapon ng basura upang makatulong sa pag-iwas sa pagbaha.