Hindi tumitigil ang Philippine National Police (PNP) sa kanilang kampanya na linisin ang kanilang hanay mula sa mga tauhan nitong nagbibigay-batik sa kanilang imahe at kredibilidad.
Ito’y ayon sa PNP, matapos maresolba ang libo-libong administrative cases mula August 26, 2025 hanggang July 15, 2026.
Bukod dito, mahigit 2,000 pa ang nasuspinde, 237 ang na-demote ang ranggo, habang ang iba ay pinatawan ng forfeiture of salary at reprimand.
Nasa 4,534 na mga pulis sa kabuuan ang napatawan ng administrative penalties matapos maresolba ang 3,903 administrative cases.
Ayon kay PNP Chief Police Gen. Jose Melencio Nartatez Jr., patunay ang mga bilang na seryoso ang PNP sa pagpapanagot sa mga lumalabag sa loob ng organisasyon upang mapanatili ang integridad at tiwala ng publiko sa pulisya.