Photo courtesy of Senate of the Philippines
Naniniwala ang National Bureau of Investigation (NBI) na maraming tagumpay ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na mababanggit ika-5 State of the Nation Address (SONA) at makakasama rito ang pagpuksa ng korapsyon sa bansa at pagpapanagot sa mga nasa likod sa flood control scandal.
Sa isang panayam kay NBI Director Melvin, iginiit niyang kita naman na talagang seryoso ang Pangulo sa pagpuksa ng korapsyon at patunay nito ay ang sunod-sunod na pagpapakulong sa mga sangkot sa flood control.
Giit pa ni Matibag, ‘di namimili ang Pangulo, kaalyado man o hindi sa papanagutin. Hinalimbawa pa nito si dating DPWH Secretary Manuel Bonoan na bagamat mismong kalihim ng administrasyon ay nakakulong na ngayon.
Hanggang sa ngayon naman aniya tuloy-tuloy pa rin ang imbestigasyon ng NBI sa flood control scandal at tinitiyak ng ahensya na lahat ay nakabase sa ebidensya.