Hindi inaasahan ni Senate President Sherwin Gatchalian na babanggitin o tatalakayin ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa kanyang ika-5 State of the Nation Address (SONA) sa Lunes.
Giit ni Gatchalian, ang impeachment ay ekslusibong tungkulin ng Senado at kasalukuyan na itong gumugulong.
Sa halip, umaasa ang Senate president na matatalakay ni Pangulong Marcos ang tungkol sa pag-usad ng ekonomiya ng bansa at ang mga anti-corruption reforms, lalo na sa gitna pa rin ng isyu ng flood control anomaly.
Aniya, bukod sa panagutin ang mga responsable, mahalaga ring maipakita ng DPWH at iba pang ahensya ang mga repormang ipinatupad para hindi na maulit ang naturang anomalya.