Screenshot
Mariing kinondena ni House Senior Deputy Minority Leader at Mamayang Liberal Partylist Rep. Leila De Lima ang pagpatay sa kilala na vlogger na si Alicia Lipata, na mas kilala bilang “Mima Alicia.”
Kinodena rin ng ilang mga grupong nagsusulong ng katarungan at karapatang pantao ang patuloy na pag-normalize sa mga pagbabanta sa buhay online.
Sa isang opisyal na pahayag, ipinahayag ni De Lima ang matinding pagkabahala ukol sa ilang komento sa social media na ginawa pang katatawanan at biro ang karumal-dumal na sinapit ng biktima.
Aniya nakalulungkot at nakababahala rin ang ilang mga komento ukol sa pagpatay sa vlogger na si Mima Alicia, kung saan ginawa pa itong katatawanan.
Ayon sa mambabatas, hindi ito katanggap-tanggap.
Binigyang-diin na ang mga banta sa buhay (death threats) ay malinaw na paglabag sa batas at kailanman ay hindi dapat ituring na bahagi ng malayang pananalita (free speech).