NCRPO
Nanawagan ang National Capital Region Police Office (NCRPO) sa publiko na makipagtulungan sa mga awtoridad kaugnay ng ikalimang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. bukas.
Ginawa ni NCRPO Regional Director PMGEN Anthony Aberin ang apela kasabay ng deployment ng mga pulis at iba pang security personnel sa Batasan Complex at iba pang bahagi ng Metro Manila.
Ang mga tauhan ay mula sa NCRPO, PNP National Headquarters, Special Action Force, at iba pang Police Regional Offices na magsisilbing augmentation force para sa seguridad ng SONA.
Kahapon, nagsagawa si Aberin ng inspeksyon sa mga pangunahing lugar sa paligid ng Batasang Pambansa upang tiyakin ang maayos na deployment ng mga tauhan, response routes, at communication system.
Ayon kay Aberin, ganap nang nakahanda ang security plan para sa SONA.
Inatasan din niya ang lahat ng pulis na pairalin ang disiplina, paggalang sa karapatang pantao, at maximum tolerance sa pagtupad sa kanilang tungkulin. Pinayuhan ng NCRPO ang publiko na sundin ang mga ipatutupad na traffic advisory at agad na iulat sa pinakamalapit na himpilan ng pulisya ang anumang kahina-hinalang aktibidad.