Binigyang-linaw ng Deparment of Foreign Affairs (DFA) na walang ine-export na anumang produkto ng Pilipinas sa Estados Unidos na gawa o mula sa forced labor.
Ito’y kaugnay sa naging anunsyo ng US na magtataas ng nasa 12.5% tariff sa 60 bansa kasama ang Pilipinas
Ayon kay DFA Spokesperson Analyn Ratonel, may mga kasalukuyang batas na ang Pilipinas na kontra o laban sa forced labor.
Dagdag pa ni Ratonel na patuloy ang kanilang mga ginagawang hakbang upang masupil ito sa bansa katuwang ang iba’t ibang ahensya ng pamahalaan.
Kaugnay nito ay patuloy ang pakikipagpulong ng bansa sa Estados Unidos upang hindi maisama ang Pilipino o mabawasan ang nasabing pagtaas ng tariff sa mga produktong kalakal.