Photo courtesy of MMDA
Handang-handa na ang mga tauhan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) para umalalay sa publiko ngayong ika-5 State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
Kanina, ininspeksyon ni MMDA Chairperson, Atty. Don Artes ang Mobile Command Center ng ahensiya na naka-set up sa harap ng Sandiganbayan Centennial Building sa Commonwealth Avenue, Quezon City.
Bahagi ito ng contingency preparations ng ahensya para sa gagawing pag-uulat sa bayan ng Pangulo sa Batasang Pambansa sa Quezon City, ganap na alas-4 mamayang hapon.
Kasama ni Artes sina MMDA General Manager Usec. Nicolas Torre III at Traffic Discipline Office Director for Enforcement Atty. Victor Nuñez sa pagtiyak sa kahandaan ng mga tauhan at kagamitan ng ahensiya na nakatalaga para sa SONA.
Aabot sa kabuuang 1,481 tauhan ang ipinakalat mula sa iba’t ibang operating units upang mamahala sa trapiko, magsagawa ng emergency response, at tumulong sa pagpapanatili ng kaayusan at kaligtasan sa paligid ng Batasang Pambansa.
Naka-standby din ang MMDA Road Emergency Group, First Aid Station, rescue trucks, at ambulansya upang matiyak ang mabilis na pagtugon sa anumang insidente sa panahon ng SONA.