Positibo ang isang ekonomista na maibabahagi ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa kaniyang ikalimang State of the Nation Address (SONA) ang follow through o mga natupad ng administrasyon kaugnay ng good governance.
Kasunod ito ng pagsiwalat ng Pangulo sa nakaraang SONA tungkol sa maanomalyang flood control projects na nagtulak para sa malawakang imbestigasyon.
Sa programang Ronda Pilipinas, sinabi ni Economist Michael Ricafort na nakaabang ngayon ang publiko sa mga anti-corruption measure at iba pang reporma na ginawa ng administrasyon lalo’t nahaharap ang bansa sa epekto ng Middle East crisis.