Photo courtesy of QCPD
Walang namo-monitor na ano mang banta sa seguridad ang Philippine National Police (PNP) kaugnay ng ika-5 State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., ngayong araw.
Sa kabila nito, sinabi ni Nartatez na nananatiling naka alerto ang PNP at nagpapatupad ng maagap na mga hakbang sa seguridad upang matiyak ang mapayapa at maayos na pagdaraos ng taunang okasyong ito.
Mahigit 20,000 pulis ang ipinakalat sa buong Metro Manila para tiyakin ang seguridad sa mahahalagang pasilidad, pangunahing lansangan, at mga lugar kung saan isasagawa ang mga aktibidad kaugnay ng SONA.
Ipinatupad na rin ng PNP ang lahat ng kinakailangang hakbang sa seguridad bilang bahagi ng komprehensibong security plan nito para sa naturang okasyon.
Ayon sa PNP Chief, inatasan din ang mga tauhan ng pulisya na mahigpit na bantayan ang mga kahina-hinalang indibidwal at aktibidad na maaaring makagambala sa pagdaraos ng SONA.
Pinaigting din ang intelligence monitoring at police visibility operations sa mga lugar na itinuturing na kritikal sa kaligtasan ng publiko.
Handa na rin ang PNP para sa mga inaasahang kilos-protesta na karaniwang isinasagawa kasabay ng taunang ulat sa bayan ng Pangulo.
Tutulong din ang mga tauhan ng pulisya sa pamamahala ng daloy ng trapiko, lalo na sa Commonwealth Avenue at sa paligid ng Batasang Pambansa, upang mabawasan ang abala sa mga motorista at mga pasahero.
Nilinaw din ng PNP na walang ipatutupad na nationwide gun ban, ngayong araw.