Photo courtesy of Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO)
Agad na inilunsad ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) ang relief operations sa Davao City kasunod ng pagbaha na dala ng malakas na ulan.
Ayon kay PCSCO General Manager Melquiades Robles, alinsunod ito sa direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na tiyakin ang mabilis at maayos na paghahatid ng serbisyo sa panahong may emergency.
Aniya, nakatulong sa mabilis nilang pagtugon ang malawak na network ng kanilang regional branches at private-sector partners.
Patuloy na nakabantay ang PCSO sa sitwasyon ng Davao City at handang magbigay ng karagdagang tulong kung kinakailangan.