Pag-IBIG, positibong mas marami pa ang makikinabang sa housing program
Libo-libong below at minimum wage earners ang nagkaroon ng sariling bahay sa ilalim ng Expanded Pambansang Pabahay Para sa Pilipino (4PH) Program ng pamahalaan.
Bahagi ng prayoridad ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang 4PH Program na layong magbigay ng ligtas, dekalidad, at abot-kayang pabahay para sa mga Pilipino.
Sa programang Bangon, Bayang Mahal, sinabi ni PAG-IBIG Fund Vice President of Public and Member Relations Group Jack Jacinto Jr. na malaking tagumpay na nakinabang sa kanilang programa ang mahigit 6,000 below at minimum wage earners.