Tiniyak ni House Majority Leader Sandro Marcos na tututukan ng Kamara ang nalalabing priority legislation ng administrasyong Marcos Jr.
Kasabay ito ng pagbubukas mg 2nd regular session ng Kongreso ngayong araw, July 27.
Ayon kay Marcos, napagtibay na nila ang kalahati ng 52 prayoridad na panukala sa First Regular session ng 20th Congress at asahan aniyang aaprubahan nila ang natitirang 26 na iba pa.
Una na aniyang napagkasunduan ng ehekutibo at lehislatura sa Legislative-Executive Development Advisory Council (LEDAC) meeting na isusulong ang mga panukala na may structural reforms upang suportahan ang mga programa ng Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
Dagdag pa ng House Leader, sisiguraduhin din nilang makatutulong ang mga panukala sa mga Pilipino para guminhawa kahit papaano ang kanilang buhay.
Ilan sa mga panukala ay ang amyenda sa Universal Health Care Act, pagbabago sa Coconut Farmers and Industry Trust Fund Act at Magna Carta for Small and Medium-Scale Enterprises.
Pagdating naman isinusulong na transparency at good governance, nakalinya ang amyenda sa Bank Secrecy Law at Anti-Money Laundering Act habang hinihintay naman ang committee report ng panukala para hindi na makapasok ang mga kamaganak ng opisyal ng gobyerno sa pagkuha ng government contracts.