Nag-abiso ang Department of Social Welfare and Development (DSDW) na pansamantaang sarado ngayong Lunes, July 27, ang Central Office nito sa Batasan, Quezon City at ang DSWD Commonwealth Satellite Office sa Paragon Place kaugnay ng gaganaping State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
Kasabay nito, pansamantala ring suspendido ang operasyon ng Public Assistance and Complaints Desk (PACD) at mga hotline ng DSWD Central Office ngayong araw.
Muling magbubukas at magbabalik sa normal na operasyon ang mga tanggapan at serbisyo ng DSWD Central Office sa Martes, July 28.
Samantala, mananatiling bukas at tuloy-tuloy ang operasyon ng lahat ng DSWD Field Offices sa iba’t ibang panig ng bansa.
