Nagpadala ng mahigit 1,500 tauhan ang Police Regional Office 3 bilang augmentation force ng National Capital Region Police Office (NCRPO).
Ito’y para tumulong sa pagtitiyak ng seguridad gayundin ng kaligtasan ng publiko para sa ika-5 State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand R Marcos Jr. ngayong araw.
Ayon kay PRO-3 Director, Police Brig. Gen. Jess Mendez, partikular sa mga ipadadala ng kanilang tanggapan ay ang kanilang Regional Mobile Force Battalion (RMFB).
Gayundin ang mga tauhan mula Pampanga, Bulacan, Nueva Ecija, Tarlac at Angeles City Police na kagabi pa dumating at ipinakalat sa iba’t ibang panig ng Metro Manila.
Samantala, sinabi ni Mendez na mayroon pa silang 600 Reactionary Standby Support Force (RSSF) mula sa Regional Headquarters sa Kampo Oliva na nakahandang umalalay sakaling kailanganin.
Pero pagtitiyak ng Central Luzon Police Chief, bukod sa ipinadala nilang puwersa ay hindi naman maaapektuhan ang kanilang anti-criminality campaign, focused police operations at paglalatag ng checkpoint sa kanilang nasasakupan.
