Nagbabala ang Philippine National Police – Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) sa publiko hinggil sa pagkalat ng mga hindi rehistradong Korean luncheon meat sa merkado.
Ayon sa CIDG, ito ay makaraang masabat ng kanilang mga tauhan ang nasa ₱700,000 halaga ng iligal na produkto sa isang operasyon na isinagawa sa Brgy. Luz, Cebu City noong isang linggo.
Nagresulta ito sa pagkakaaresto ng 32-anyos na babae na tumatayong trader o store manager matapos mabigong magpakita ng kaukulang dokumento.
Kasunod nito, sinabi ng CIDG na anumang produktong pagkain na inaangkat mula sa ibang bansa ay dapat may pag-apruba mula sa Food and Drugs Administration (FDA).
Anumang pagkaing ibinebenta sa merkado nang walag rehistro ay maaaring magdulot ng hindi maganda sa kalusugan ng publiko.
