All systems go na ang latag ng seguridad ng Philippine National Police (PNP) para sa ika-5 State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa Batasang Pambansa ngayong araw.
Ayon kay PNP Chief, Police Gen. Jose Melencio Nartatez Jr., handa na ang kanilang mga tauhan at kagamitan para sa kanilang deployment para tiyaking maayos, mapayapa at ligtas na maidaraos ang Pag-uulat sa Bayan ng Pangulo.
Una rito, nagsagawa ng pag-inispeksyon ang PNP sa Batasang Pambansa at karatig lugar nito para magsagawa ng assessment sa seguridad lalo na sa mga lugar na pagdarausan ng mga kilos protesta.
Mahigit 20,000 pulis ang ipinakalat sa Metro Manila para tiyakin ang seguridad sa SONA ng Pangulo katuwang ang mga Police Regional Office sa Central Luzon, CALABARZON, Bicol, at iba pa.
Mahigpit naman ang paalala ng PNP chief sa mga commander sa ground na pairalin ang “MAXIMUM TOLERANCE” sa lahat ng oras habang hinikayat naman ang mga rally organizer na makipagtulungan sa Pulisya para sa maayos na paghahayag ng saloobin.