Puspusan na ang paghahatid ng tulong ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa mga lalawigang naapektuhan ng mga pag-ulan at bahang dulot ng Bagyong Kiyapo at Habagat.
Sa pinakahuling tala ng DSWD, aabot na sa halos ₱10-milyong ang halaga ng humanitarian assistance na naihatid sa apektadong LGUs sa siyam na rehiyon sa bansa.
Katunayan, kabi-kabilaang relief operations ang isinasagawa ng mga DSWD Field Office mula sa Cagayan hanggang SOCCSKSARGEN para alalayan at hatiran ng kahon-kahong family food packs (FFPs), ready-to-eat-food (RTEF) boxes, family clothing kits at kitchen kits ang mga apektadong komunidad.
Bahagi ito ng direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na tiyaking mabilis na naipaaabot ang kinakailangang tulong sa mga pamilyang naapektuhan ng kalamidad, lalo na sa mga lugar na higit na nangangailangan ng maagap na suporta.
Samantala, as of July 26 ay umabot na sa higit 63,000 pamilya o katumbas ng 295,000 indibidwal ang naitalang apektado ng kalamidad
Mula sa bilang na ito, nasa 1,760 pamilya o higit 7,000 residente ang nananatili sa evacuation centers.
