Umabot 22 indibidwal ang nabigyan ng medical assistance ng Philippine Red Cross (PRC) sa pamamagitan ng mga itinayong First Aid Station at ambulansya.
Ito ay bilang pag-alalay sa publiko ngayong ika-5 State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. Sa Batasan Complex, Quezon City.
Batay sa pinakahuling tala ng PRC, 18 sa mga pasyente ang sumailalim sa vital signs monitoring, tatlo sa mga natulungan ay minor cases, at isa ang natulungan sa pamamagitan ng Rapid Deployment Medical Unit (RDMU).
Wala namang pasyenteng kinailangang dalhin sa ospital.
Kabilang sa mga naitalang minor cases ang pagtaas ng blood pressure at nahirapang huminga.
Matatandaang nag-deploy ang PRC ng mga tauhan at volunteers pati ang mga kagamitan kabilang ang Rapid Deployment Medical Unit, ambulansya, First Aid Station, at Welfare Desk sa iba’t ibang deployment areas sa Quezon City at mga kalapit na lugar bilang bahagi ng medical coverage sa SONA. | ulat ni Diane Lear