Itinuring ni Quezon City Police District Director PBGen. Randy Glenn Silvio na naging mapayapa sa pangkalahatan ang isinagawang State of the Nation Address (SONA) 2026 sa kabila ng ilang pag-aresto sa mga raliyista.
Ayon kay Silvio, karamihan sa mga inaresto ay mga kabataang raliyista na umano’y sangkot sa vandalism at paglabag sa batas.
Sinabi ng opisyal na korte na ang magpapasya kung may sapat na basehan ang ginawang pag-aresto sa mga sangkot.
Pinuri din ng QCPD Chief ang mga pulis na nagpatupad ng seguridad at kaayusan sa SONA ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
Samantala,bago pa man matapos ang SONA mapayapa ding nilisan ng mga raliyista ang Commonwealth Avenue. | ulat ni Rey Ferrer