??????????
Inaresto ng mga awtoridad and tatlong indibidwal na umano’y nagpapanggap na parking attendant at naniningil ng sobrang parking fee sa labas ng Rizal Memorial Stadium sa Adriatico Street, Malate, Maynila.
Ayon sa social media post ni Manila Mayor Isko Moreno Domagoso, agad na rumesponde ang Manila Police District Special Mayor’s Reaction Team o S.Ma.R.T. matapos makatanggap ng reklamo sa pamamagitan ng Bilis Kilos Action Center.
Naaresto ang tatlong suspek matapos umanong maningil ang mga ito ng halagang lampas sa itinakdang parking fee. Hindi rin umano sila nakapagpakita ng pagkakakilanlan o dokumentong nagpapatunay na awtorisado silang maningil ng parking fee.
Pinapayuhan ang mga motorista na maging mapagmatyag at agad ireport sa Bilis Kilos Action Center o sa social media accounts ng pamahalaang lungsod ang kahina-hinalang paniningil at mga indibidwal na nagpapanggap na awtorisadong tauhan ng City Hall.