Asahan na ang patong – patong na kasong isasampa ng Ombudsman kay dating House Speakers Martin Romualdez. Mayroon itong kinalaman sa flood control irregularities na patuloy na ini-imbestigahan ng pamahalaan.
Sa ikalimang State of the Nation Address (SONA), sinabi ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na bagamat masakit para sa kaniya ang hakbang na ito, kailangan itong gawin dahil ito ang tama.
“Halos dalawampu’t limang bilyong piso ang halaga ng nabawi, “frozen,” at napreserbang mga pera at ari- arian ng mga akusado. Ang mahigit walong daang milyong piso dito ay agad nating naibalik sa Treasury.” -Pangulong Marcos Jr.
Pagbibigay diin ng pangulo, pangulo siya ng mga Pilipino at hindi presidente ng kaniyang pamilya o mga kaibigan. Ang tungkulin niya aniya, nasa mga Pilipino.
“Kaakibat ng mga naisampang mga kaso, tiniyak ng inyong pamahalaan na mababawi mula sa mga nagsabwatan ang nakuha nilang pera ng taumbayan.” -Pangulong Marcos.
Sabi ng pangulo, kaakibat ng mga isasampang kaso na ito, makasisiguro ang mga Pilipino na mababawi mula sa mga nagsabwatan ang mga nakuha nilang pera, mula sa taombayan.
“Gayundin, pinigilan natin ang paglabas ng pera ng bayan na ipambabayad pa dapat sa mga depektibo, peke, o guni-guning mga proyekto, at mapupunta lamang sa mga bulsa ng mga tiwaling kontraktor at opisyal.” -Pangulong Marcos.
Pagsisiguro ni Pangulong Marcos Jr., mananaig ang hustisya at katarungan.
”Ipinapaubaya na natin ang pag-uusig sa Ombudsman at sa ating mga pinalakas na National Prosecution Service. Nananalig din tayo sa makatarungang hatol ng hukuman. Makakaasa kayo na ang gulong ng hustisya ay tumatakbo.” -Castro. | ulat ni Racquel Bayan