Nasa 9,467 Agrarian Reform Beneficiaries (ARBs) sa Mountain Province ang nakinabang sa iba’t-ibang programa ng Department of Agrarian Reform (DAR) sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
Kabilang sa mga ipinatupad ang Sustainable Livelihood Support for Disaster-Affected Areas, kung saan tumanggap ng tig-₱400,000 na tulong ang tatlong kooperatiba para sa pagbili ng mga makinaryang pang-agrikultura at iba pang kagamitan.

Nagkaloob din ang DAR ng ₱1.5 milyong halaga ng tractor na may rotavator at mga pataba sa Maranlag Agrarian Reform Farmers Organization sa Tadian.
Samantala, tumanggap naman ng ₱300,000 para sa rice mill ang Paget Agriculture Cooperative sa Sabangan sa ilalim ng programa ng DAR at DSWD laban sa kagutuman at kahirapan.
Patuloy rin ang scholarship program para sa mga anak ng ARBs, pagpapatupad ng SPLIT Program, at validation ng iba pang benepisyaryo sa lalawigan.
📷 DAR Mountain Province