Naka antabay na rin ang mga volunteer ng Philippine Red Cross (PRC) para umalalay sa publiko ngayong ika-5 State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., ngayong araw.
Aabot sa 80 mga staff at volunteer ang kanilang ipinakalat para umalalay sa mga mangangailangan ng tulong sa buong mag-hapong ito.
Ayon sa Red Cross, partikular na ipinakalat ang kanilang first aid stations sa kahabaan ng Commonwealth Avenue kasama na ang kanilang ambulansya at welfare teams.
Kabilang na rito sa SB Park Evacuation Area Command Post sa Batasan Hills, Commission on Human Rights (CHR) sa may Commonwealth area gayundin sa boundery ng Quezon City at San Mateo.