Tuloy-tuloy ang pagbibigay ng Department of Energy (DOE) ng P10 kada litro ng subsidiya sa gasolina para sa mga Public Utility Vehicle (PUV) driver na apektado ng mataas na presyo ng mga produktong petrolyo.
Katunayan, umabot na sa 90,763 PUV ang nakapag-avail ng subsidiya, at sumatutal ito sa P373,805,705 na pondo.
Ayon kay DOE Director Rino Abad, nagsimula pa noong Abril ang tulong na ibinibigay ng pamahalaan, at magpapatuloy ang pagbibigay ng subsidiya hangga’t may pondong inilaan sa pamamagitan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB).
Ang datos naman ay sakop ang buong bansa dahil nagkalat na sa iba’t ibang rehiyon ang mga accredited gasoline station na nagbibigay ng subsidiya Sa kabuuan, nakapag-accredit na ang DOE ng 2,745 gasoline station sa buong bansa.