Kumikilos na ang pamahalaan para pag-aralan ang pagtanggal sa systems loss na kasama sa sinisingil sa kuryente ng mga konsumer.
Ito’y matapos nga banggitin ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa kanyang State of the Nation Address na nais nyang ipatanggal ang systems loss sa mga electric bill at amyendahan ang Electric Power Industry Reform Act (EPIRA) Law.
Sa pulong balitaan ngayong araw ayon kay Energy Secretary Sharon Garin makikipagpilong na ang ahensya sa Energy Regulatory Commission, electric cooperatives at distribution facilities para talakayon ito.
Naniniwala naman si Garin na tama lang ang inisyatibo ng pangulo dahil malaki ang maitutulong nito para mapababa ang singil sa kuryente.
Ipinaliwanag naman ni Garin na ang systems loss ay mga ninanakaw na generation o konsumo at ipinapataw ito sa mga konsumer dahil nakalagay ito sa batas o EPIRA.
Kasama rin umano ito sa pinapatawan buwis kaya titiyakin ng DOE na gagawin nila ang lahat upang talakayin ito sa mga distribution facilities at electric cooperatives sa bansa. | ulat ni Louisa Erispe