Inaasahang matatanggap ng Iran sa loob ng ilang linggo ang unang batch ng mga shoulder-launched air defense missile system mula sa China na magpapalakas ng kanilang depensang panghimpapawid sa gitna ng digmaan laban sa Estados Unidos.
Batay sa ulat ng Reuters, maaaring umabot sa 400 missile launcher ang unang kargamento, kabilang ang mga QW-12 at FN-16 portable air defense systems na nagkakahalaga ng tinatayang 60 hanggang 70 milyong dolyar.
Ayon pa sa ulat, nilagdaan ang kasunduan kasama ang Zhongqing Baoshang International Investment, isang kumpanyang nakabase sa Hong Kong na nagsilbing tagapamagitan sa pagitan ng Iran at ng China.
Hakbang ito ng Tehran upang upang mapahusay ang seguridad ng bansa kasunod ng tumitinding tensyon sa Gitnang Silangan.
Bagama’t hindi pa opisyal na kinumpirma ng China at Iran ang detalye ng transaksyon, sinasabing bahagi ito nang lumalalim na ugnayang pangdepensa ng dalawang bansa.
Pinaniniwalaan ding posibleng dumaan sa Pakistan ang ruta ng paghahatid ng mga armas subalit itinanggi ng Beijing at ilang opisyal ng Pakistan ang ano mang direktang partisipasyon dito.
Ayon sa mga eksperto, ang kasunduang ito ay maaaring magdulot ng panibagong pag-aalala sa balanse ng seguridad at katatagan ng buong rehiyon.