Ibinigay na ng Bureau of Customs (BOC) sa National Treasury ang ₱205 milyong kinita mula sa pagbebenta ng dalawang Bugatti Chiron.
Ang nasabing mga sasakyan ay nakumpiska mula sa isang POGO operator matapos itong isiwalat ni Sen. Raffy Tulfo noong 2023.
Kanina isinagawa ang ceremonial turnover sa punong tanggapan ng BOC sa Maynila.
Ayon kay Customs Commissioner Ariel Nepomuceno, magagamit ang nasabing pondo sa mga proyekto ng pamahalaan, tulad ng pagtatayo ng mga paaralan at iba pa.
Sinabi ni Nepomuceno na sana ay magsilbi itong aral sa mga smuggler at huwag na silang sumubok pang magsagawa ng smuggling.
Mahigpit, aniya, ang utos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na ipatupad ang anti-smuggling functions ng BOC.
