Target ng Maharlika Investment Corporation (MIC) na maging ganap na miyembro ng International Forum of Sovereign Wealth Fund (IFSWF) sa susunod na taon.
Ito’y para maipakitang sumusunod ito sa global standards para sa governance, transparency, at accountability.
Ayon kay MIC President at Chief Executive Officer Rafael Consing Jr., sa nakalipas na dalawang taon ay isinulong ng Maharlika ang pagsunod sa Santiago Principles, na nagsilbing international standards para sa sovereign wealth funds.
Aniya, kailangan munang maipasa ng MIC ang komprehensibong 360-degree audit bago maging regular member ng IFSWF.
July 2024 nang mag-apply ang MIC para sa IFSWF at natanggap bilang associate member kaya may tatlong taon para ipatupad ang Santiago Principles bago mag-qualify para sa regular membership.