PBBM, tiniyak na sapat ang suplay ng langis sa gitna ng Middle East conflict
Ginarantiya ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na sapat ang oil supply ng Pilipinas na una nang aniya’y nasigurong tatagal ng halos dalawang buwan.
Ang pagtiyak ay ginawa ng Punong Ehekutibo sa harap ng hindi pa rin natatapos na krisis sa Middle East dahil na rin sa hindi pa nareresolbang mga isyu sa rehiyon.
Ayon sa Pangulo, malaking bagay ang magandang ugnayan ng Pilipinas sa iba’t ibang bansa sa sapat na suplay ng langis.
Sa kabila aniya ng pagsara ng Strait of Hormuz, ay nakabili at nakapag-import ang Pilipinas mula sa ibang pagkukunang bansa gaya ng Japan, South Korea, Oman, India, maging sa Russia, gayundin sa Tsina.
Nangangahulugan ito na sa loob ng humigit-kumulang 60 araw ay may reserbang suplay ang mga oil company, sapat para matugunan ang pangangailangan ng bansa.
