Kinumpirma ni Palace Press Officer Undersecretary Claire Castro na nagbigay na ng otorisasyon si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. para ilabas ang BIR records ni Vice President Sara Duterte at asawa nitong si Atty. Mans Carpio para sa Senate impeachment court.
Sabi ni Castro, ang clearance ay ibinigay ng Pangulo alinsunod sa itinatakda ng batas.
Nang matanong sa dahilan kung bakit nagbigay ng nasabing pahintulot ang Pangulo ay inihayag ni Castro na sinunod lamang nito ang sinasabi ng batas at ang tamang proseso.
Ang hakbang ng Pangulo dagdag ni Castro, ay para na rin sa katotohanan na aniya’y hindi ipagkakait ng Chief Executive sa sambayanang Pilipino.