Nais pang palakasin ng Department of National Defense (DND) ang presensiya ng Pilipinas sa eastern part ng mga teritoryo nito partikular sa Philippine Rise sa silangang karagatan ng Pilipinas.
Ayon kay Defense Secretary Gilberto Teodoro Jr. napakalaki ng East Philippine Sea na dapat din itong matutukan at hindi lang ang mga banta na kinahaharap ng bansa sa West Philippine Sea.
Giit ng kalihim, na pinagpupugaran din ang mga teritoryo sa silangang karagatan ng Pilipinas ng iba’t ibang foreign malign influence na banta rin naman sa seguridad ng bansa.
Mahalaga aniya na masawata ang lahat ng mga illegal na aktibidad dito upang mas maging maayos ang seguridad ng bansa at magamit din ng Pilipinas ang iba’t ibang likas na yaman sa silangang bahagi ng bansa at Pacific seas.