Nagbaba ng kautusan ang Malacañang para sa lalo pang pagpapalakas ng industriya ng electric vehicle (EV) sa Pilipinas, alinsunod sa una na ring binanggit ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., sa katatapos lamang na State of the Nation Address (SONA).
Ayon kay Communications Usec. Claire Castro, sa bisa ng EO No. 121, magkakaroon ang Pilipinas ng Electric Vehicle Incentive Strategy Program.
Layon nitong hikayatin ang mga malalaking kumpaniya na magtayo at mag-manufacture ng electric vehicle at mga piyesa nito, dito sa Pilipinas.
Magbababa aniya ng incentive tax payment certificate ang gobyerno para sa mga kumpaniya na tatalima sa kautusang ito.
At magiging mahigpit ang monitoring at mga kondisyon na dapat masunod para dito.
Ang pamumuhunan na ito, magpapalakas sa EV industry ng bansa at magbubukas ng mas maraming trabaho para sa mga Pilipino.