Nanawagan si Cabinet Secretary Benjamin Abalos Jr. sa mga opisyales sa lokal na pamahalaan na i-maximize o gamitin ng husto ang eGov PH App.
Ang panawagan ay ginawa ni Abalos sa isinagawang 2026 Second Quarterly Continuing Local Legislative Education Program na isinagawa sa Iloilo.
Ayon kay Abalos, sa pamamagitan ng eGov PH App ay mas magiging mabilis ang serbisyo ng gobyerno, mas epektibo, at mas accessible sa bawat Pilipino.
Ang nasabing One-stop digital government app ay flagship digital government platform na inilunsad nina Pangulong President Ferdinand R. Marcos Jr. at First Lady Louise “Liza” Araneta-Marcos.
Ang eGov PH App ay nagbibigay ng access sa digital services ng pamahalaan tulad ng pagkuha ng mga government ID, pagbabayad ng bayarin, paghingi ng mga permit at certificate, at iba pang transaksiyon sa iba’t ibang ahensya.