Photo courtesy of Presidential Communications Office (PCO)
Binisita ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang Northern Luzon Command (NOLCOM) sa Camp General Servillano Aquino sa Tarlac.
Sa nasabing pagbisita ay nagbigay ng ulat ang NOLCOM sa Commander in Chief hinggil sa kanilang operational readiness, at kakayahan sa pangangalaga sa hilagang teritoryo at karagatang sakop ng Pilipinas.
Sa pagtungo ng Punong Ehekutibo sa NOLCOM ay binigyang-diin nito ang importansiya ng patuloy na pagpapalakas ng kahandaan, interoperability, at koordinasyon sa iba pang ahensya ng pamahalaan at mga international partners.
Ito ay upang matugunan ang mga umiiral at bumabangong hamon sa pambansang seguridad.
Muli ring iginiit ng Pangulo ang matatag na paninindigan ng Administrasyon para ipagtanggol ang teritoryo, soberanya, at pambansang interes ng Pilipinas habang tiniyak din nito ang patuloy na pagsuporta sa kapakanan at kakayahan ng mga sundalong Pilipino.