Photo courtesy of DOST-FPRDI
Ipinakita sa bagong pag-aaral ng Department of Science and Technology – Forest Products Research and Development Institute (DOST-FPRDI) ang potensyal ng Philippine giant bamboo o mga lokal na kawayan bilang biomass fuel.
Lumabas sa pag-aaral na mas mabilis magliyab ang raw bamboo o kawayan, kaya akma ito sa mga prosesong nangangailangan ng mabilis na energy release.
Samantala, mas heat-resistant naman ang carbonized bamboo at mas kontrolado ang paraan ng pagsunog nito, dahilan upang maging angkop ito sa mga charcoal-based energy system.
Ayon kay DOST Secretary Renato Solidum Jr., mahalaga ang ganitong pananaliksik upang makatuklas ng sustainable solutions at madiskubre pa ang paggamit ng renewable energy bilang tugon sa pangangailangan sa enerhiya at lumalalang hamon ng climate change.