Pinagbabawalan muna ng Department of Migrant Workers ang pagpapadala ng mga Pilipinong seafarer sa Northern Black Sea sa silangang bahagi ng Europa dahil sa mataas na banta sa seguridad.
Ayon kay DMW Secretary Hans Leo Cacdac, maaari pa ring bumiyahe ang mga barko sa lugar, ngunit hindi dapat magsakay ng mga Pilipinong seafarer.
Patuloy ding mino-monitor ng DMW at Department of Foreign Affairs ang sitwasyon sa pamamagitan ng 15-araw na review.
Sinabi ni Cacdac na may karapatan ang mga Pilipinong marino na tumangging maglayag sa mga high-risk area.
Maaari silang magsumite ng request sa DMW o tumawag sa 1348 hotline. Binigyang-diin nito na mananagot ang manning agency at ship owner kung lalabagin ang direktiba at malalagay sa panganib ang buhay ng mga seafarer.