Photo courtesy of Department of Migrant Workers
Dumating na sa bansa ang limang Pilipinong crew member ng Antigua-flagged bulk carrier na M/V Inase matapos i-repatriate dahil sa mga pag-atake sa mga barko sa Black Sea.
Sa ulat ng Department of Migrant Workers, dumating ang mga seafarer sakay ng Philippine Airlines flight PR731 sa NAIA Terminal 1. Nauna nang nakauwi ang pitong iba pa noong July 31.
Nagbigay ang DMW at OWWA ng airport at financial assistance, habang isinailalim naman ang mga ito sa health check para matiyak ang kanilang kalagayan.
Kasama ang mga Pilipinong crew nang tamaan ng drone ang barko habang nakadaong sa Port of Pivdenny sa Ukraine.
Inatasan ng DMW ang kanilang manning agency na tiyakin ang physical at psychological checks ng mga seafarer.
Pinapaalalahanan din ang mga agency na sundin ang safety protocols para sa mga barkong dumaraan sa Black Sea.