Nagbabala ang PAGASA sa posibleng malakas na pag-ulan sa ilang bahagi ng bansa dulot ng Tropical Cyclone Luis at Southwest Monsoon o Habagat.
Sa Weather Advisory ng PAGASA, makakaranas ngayong araw ng 50 hanggang 100 millimeters na ulan ang Isabela, Quirino, Aurora, Quezon, Camarines Norte, Camarines Sur at Catanduanes.
Bukas naman, inaasahang makakaranas ng kaparehong lakas ng ulan ang Cagayan at Isabela dahil sa epekto ng bagyo.
Samantala, magdadala rin ng katamtaman hanggang malakas na pag-ulan ang Habagat sa Pangasinan, Zambales at Bataan bukas, at sa Pangasinan, Zambales, Bataan at Occidental Mindoro sa Martes.
Ayon sa PAGASA, maaaring mas maging matindi ang ulan sa mga bulubundukin at matataas na lugar, lalo na sa mga lugar na nakaranas na ng pag-ulan nitong mga nakaraang araw. |