Sa paglapit ng Tropical Depression Luis sa silangan at kanlurang bahagi ng Luzon, nananatiling alerto ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa posibleng epekto nito sa mga komunidad, kabilang ang banta ng pagbaha at pagguho ng lupa.
Bilang paghahanda, nakapreposisyon na ang 4,933,589 Family Food Packs (FFPs), 327,565 Ready-to-Eat Food (RTEF), at 255,166 Non-Food Items (NFIs) sa mga warehouse ng DSWD sa iba’t ibang bahagi ng bansa.
Handa ang mga ito para sa agarang pagpapadala sa mga lugar na maaaring mangailangan ng tulong.
Ayon sa DSWD, patuloy itong nakikipag-ugnayan sa mga kinauukulang ahensya at lokal na pamahalaan para matiyak ang maagap na pagtugon at paghahatid ng kinakailangang suporta sa mga pamilyang maaaring maapektuhan.