Naglaan ang Department of Education (DepEd) ng P2.28 bilyong School Innovation and Improvement Fund para sa Fiscal Year 2026.
Ito ay upang pondohan ang mga proyektong magpapalakas sa literacy at numeracy sa mga pampublikong paaralan.
Ayon kay Education Secretary Sonny Angara, direktang ibibigay ang pondo sa mga school head upang makapagpatupad ng mga lokal na programa na tutugon sa learning poverty at magpapalakas sa reading at math foundations ng mga mag-aaral.
Sa ilalim ng DepEd Memorandum No. 048, s. 2026, kabilang na ang mga kwalipikadong senior high school sa mga makatatanggap ng pondo nang hindi na kailangang magsumite ng panukalang proyekto.
Prayoridad ang mga paaralan sa mga munisipalidad na mababa ang kita at may mas malaking populasyon ng mga mag-aaral, na may minimum na alokasyong P50,000 bawat paaralan.
Gagamitin naman ng DepEd ang SIIF Online Monitoring Tool ng InsightED Application upang bantayan ang paggamit ng pondo, habang katuwang din ang Regional at Schools Division Offices sa pagpapatupad ng programa.