Nagpaabot ng mainit na pagbati si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. kay Alex Eala sa kanyang makasaysayang tagumpay bilang kauna – unahang Pilipino at first Southeast Asian WTA 500 champion.
“Mainit ang naging pagbati ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., kay Alex Eala sa kanyang makasaysayang tagumpay bilang first Filipino and first Southeast Asian WTA 500 champion.” —Eala.
Ayon kay Communications Usec Claire Castro, kasama ni Eala ang sambayanang Pilipino sa pagdiriwang ng panibagong tagumpay na ito.
“Mabuhay ka, Alex! At lagi po natin tandaan.” —Castro.
Sabi ni Castro, si Pangulong Marcos, buhos ang pagkagalak at suporta kay Eala.
“Noong nakaraang araw ay tinanong ko kung pinanood niya iyong ibang laro ng Pangulo, ang sabi po sa atin, usually ay ayaw niyang manood nang live dahil mukhang mayroon daw yata siyang dalang hindi suwerte kapag nanonood siya nang personal na laro o nanonood siya live.” —Castro.
Ayon kay Castro, bagamat hindi pa napagu-usapan kung muling iimbitahin sa Palasyo di Eala, malinaw na labis ang pagkalugod ng pangulo sa panibagong pagkapanalo nito.
“Sa ngayon po ay hindi pa napag-uusapan kung iimbitahin muli pero alam natin na sobrang maligaya po ang Pangulo sa pagkapanalo po ni Miss Alex Eala… Nagbigay na po siya ng kaniyang pagbati at karangalan sa buong taumbayan, sa sambayanang Pilipino at ng ating bansa ang pagkapanalo po ni Alex Eala. So, congratulations!” —Castro. | ulat ni Racquel Bayan