Binigyang-linaw ni Energy Secretary Sharon Garin na kinakailangang ayusin ng mga power utility company ang kanilang mga sistema upang mabawasan ang system loss sa kanilang mga linya at maiwasang maipasa ito sa mga consumer sa pamamagitan ng kanilang electricity bill.
Ayon kay Garin, layunin nitong maibsan ang dagdag na gastusing nagiging dahilan ng pagpasan ng mga consumer sa kanilang buwanang bayarin sa kuryente.
Dagdag pa ng kalihim, bumuo na ang Department of Energy (DOE) ng isang task force na magsasagawa ng pagsusuri sa mga electric cooperative at ilang electric utility upang matukoy at maisaayos ang mga suliranin sa sistema ng mga power distribution company sa bansa.
Muli namang tiniyak ng DOE na magpapatuloy ang pagpapatupad ng mga programa upang mabawasan ang pasanin ng mga consumer ng kuryente sa Pilipinas.