Ligtas nang nakabalik sa Pilipinas ang 11 Pilipinong tripulante na naapektuhan ng drone attacks sa Black Sea habang sakay ng MV Inase at MV Venturo.
Sa kanilang pagdating sa bansa, agad silang pinagkalooban ng airport assistance at financial assistance mula sa Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) at Department of Migrant Workers (DMW).
Magpapatuloy rin ang suporta ng kanilang mga licensed manning agency, kabilang ang medical checkup at iba pang kinakailangang tulong bago sila makauwi sa kani-kanilang pamilya.
Muli namang tiniyak ng OWWA na magkakaloob din ng karagdagang tulong ang pambansang pamahalaan para sa mga nasabing tripulante.