📷 DSWD FIELD OFFICE 5 - BICOL REGION
Nagpapatuloy pa rin ang pamamahagi ng UPLIFT assistance ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) para sa mga miyembro ng 4Ps, Walang Gutom Program, mahihirap na pamilya, at low-income workers.
Sa panayam ng programang BOSES kay DSWD Spokesperson Assistant Secretary Irene Dumlao, umabot na sa kabuuag 4.5 million households ang nakatanggap ng ₱2,000 na ayuda sa ilalim ng UPLIFT assistance.
Sa bilang na ito, 2.8 million households ang nakatanggap na ng one-time assistance mula sa 4Ps habang aabot na sa 200,000 na households ang nakatanggap na rin sa ilalim naman ng mga pamilyang kabilang sa Walang Gutom program.
Habang sa Group 2 naman o ‘yung mga poor households na hindi nakapasok sa ilalim ng 4Ps at Walang Gutom program ay aabot na sa 300,000 households ang nakatanggap.
Sa Group 3 naman o ‘yung mga low-income earner ay pumalo na sa aabot sa isang milyong households ang nakatanggap ng UPLIFT assistance na tatagal ng hanggang buwan ng Disyembre.
Patuloy naman hinihimok ng DSWD ang mga benepisyaryo na mag-download ng Egov PH app upang mas mapabilis ang disbursement ng kanilang assistance at matukoy kung anong e-wallet o financial institutions ang kanilang magagamit para sa pagbibigay ng kanilang ayuda.