Sumampa na sa mahigit ₱1 milyong ang halaga ng naipaabot na tulong ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa mga residenteng naapektuhan ng bagyong Luis at Habagat.
Sa panayam ng programang BOSES kay DSWD Spokesperson Assistant Secretary Irene Dumlao, sinabi nito na kaagad nang naipaabot ang tulong sa mga pinaka-apektadong lugar sa Cagayan, Bicol Region at maging sa Zamboanga City.
Aabot pa sa 2,200 pamilya o mahigit 6,000 indibidwal ang nananatili sa mga evacuation center dahil sa epekto ng Bagyong Luis at patuloy na pag-ulan.
Nasa 29 activated evacuation centers naman ang aktibong nagse-serbisyo sa mga lubos na naapektuhan ng masamang panahon.
Patuloy naman ang relief operations ng Department of Social Welfare and Development sa mga lugar na naapektuhan ng pagbaha.
Sa ngayon nananatili sa 4.9 million family food packs ang naka-preposition sa mga warehouse ng DSWD sa buong bansa.