Hindi palalagpasin at sisilipin ng National Bureau of Investigation (NBI) ang lumutang na ispekulasyong arestado na si Senador Ronald “Bato” Dela Rosa.
Una nang itinanggi ni NBI Director, Atty. Melvin Matibag na walang katotohan ang kumakalat na balitang nahuli na ng otoridad si Sen. Bato.
Hindi pa rin alam ng NBI ang dahilan ng paglabas ng nasabing balita pero malakas ang kanilang hinala na may nangangailangan umano ng “content”.
Kaugnay nito ay nanindigan si Matibag na hindi pa nakalalabas ng Pilipinas ang kapwa-akusado ni dating Pang. Rodrigo Duterte sa crimes against humanity na si Senador Bato, bagay na una na ring iginiit ng Department of the Interior and Local Government (DILG).
May ilang lugar na aniyang tinututukan ang mga operatiba ng NBI na posibleng pinagtataguan ni Dela Rosa.
Sa ngayon, sinabi ng NBI chief, na nagpapatuloy ang kanilang manhunt operation kay Senador Bato Dela Rosa. | via Eph Gaytos