Nagpapatuloy ang pagtutok ng National Housing Authority (NHA) sa pagbuo ng mga Calamity Housing para sa mga residente na labis na pinadapa at naapektuhan ng mga kalamidad, tulad ng lindol, pagbaha, flashflood at marami pang ibang sakuna.
Sa panayam ng programang BOSES kay NHA General Manager Joeben Tai mahigpit ang bilin sa kanila ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na mabigyang prayoridad ang Calamity Housing upang mabigyan na ng maayos na matitirhang bahay ang biktima ng mga nagdaang kalamidad.
Sa gagawing calamity housing, aabot sa isang libong housing units ang itatalaga sa bawat bubuuing subdivision.
Raw house ang iti-turnover na housing unit na may lot area na 40 square meters at floor area na 27 square meters.
Hindi rin pipitsugin ang minadali ang bubuuing housing units dahil may 2 bedrooms ito na may partition na, living room, dining room at maging balcony na maaaring magamit ng benepisyaryo sa widening o extension ng kanilang bahay.
Paglilinaw nama ni GM Tai na hindi para sa lahat ang nasabing Calamity Housing Program dahil para lamang ito sa mga residenteng nawalan ng tahanan o labis na nasalanta ng mga nagdaang kalamidad.
Dadaan din sa masusing evaluation ang mga tutukuying benepisyaryo ng local na pamahalaan na sunod na dadaan sa verification ng Office of Civil Defense (OCD).
Oras naman na matapos ang evaluation at verification ng OCD ay isusumite na ito sa NHA na siyang magsasagawa ng final evaluation at verification upang matiyak na sa nararapat na benepisyaryo maipagkakaloob ang Calamity Housing project ng pamahalaan.