Tuloy-tuloy lang ang Department of Education (DepEd) sa pag-aksiuon upang maitaas ang antas ng seguridad ng mga pampublikong paaralan upang hindi na maulit pa ang anomang akto ng karahasan sa mga estudyante.
Ayon kay Education Sec. Sonny Angara maigting na ang pakikipag-ugnayan ng DepEd sa mga lokal na pamahalaan upang mapunan ang mga kakulangan sa security protocols tulad ng mga security guard, CCTV cameras, metal detectors at pagtatayo ng mas matataas at mas matitibay na mga bakod upang hindi basta-basta mapasok ang mga paaralan.
Mahigpit na rin ang koordinasyon ng DepEd sa Philippine National Police (PNP) at Department of the Interior and Local Government (DILG) upang mapaigting ang police visibility at patrols sa mga paaralan na napakalaking tulong ayon sa kalihim upang mapanatili ang kapayapaan at kaayusan sa mga paaralan at learning facilties and institutions.
Gayundin malaking tulong din ayon kay Angara ang prisensiya ng Barangay partikular ang mga tanod na siyang humahalili sa prisensiya ng mga security guard.
Pagdating naman sa pagtiyak ng school conduct hinimok ni Angara ang mga guro na palagian ding i-check ang mga mag-aaral kung ayos lamang ang kanilang kalagayan at upang makita kung may posibleng indikasyon na ng karahasan.
Aminado ang kalihim na marami pa rin sa mga paaralan sa bansa ang walang Guidance Counselor kaya ang ibang guro ay umaakto na rin bilang substitute Guidance Counselors.
Kaya naman muling binigyang-diin ng DepEd na tumatannggap at naghahanap sila ng 10,000 student counselor associates na siyang tatayong Guidance Counselors sa mga paaralang kulang o wala ang presensiya ng isang Guidance counselors. | ulat ni Eph Gaytos