Nakatakdang itayo ng Philippine Red Cross (PRC) ang bago nitong tahanan sa lalawigan ng Pampanga.
Ito’y makaraang magsagawa ng groundbreaking ang PRC para sa kanilang Pampanga-Angeles City Chapter.
Nabatid na itatayo ang bagong gusali ng Red Cross sa 300 metro kwadradong lupain ng Eastgate Commercial Center na pag-aari ng pamilya Lazatin.
Ayon kay PRC Chairperson at CEO Richard Gordon, kailangan nila ng permanenteng tahanan sa naturang lugar upang mapagsilbihan pang lalo ng ganap ang kanilang mga kababayan.
📸 PRC
